Some Simple Tips On No-fuss Solutions For Kayo By Gloc 9?

Questions To Consider About Establishing Elements Of

Nirerespeto ko ang saloobin niyo kahit minsan masakit  Gloc 9

PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1 Nirerespeto ko ang saloobin niyo kahit minsan masakit – Gloc 9  (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 31, 2016 - 10:43am MANILA, Philippines –  Hindi na napigilan ng Pinoy rap icon na si Gloc 9 na maglabas ng saloobin matapos siyang batikusin dahil sa pagkanta sa proclamation rally ni Makati Rep. Abigail Binay nitong Lunes. Sa isang Facebook post sa official page ni Aristotle Pollisco o mas kilala sa tawag na Gloc 9, sinabi ng rapper na nababasa niya ang lahat ng pambabatikos sa kaniya. Dagdag niya na masakit ang ibinabatong mga salita sa kaniya matapos niyang gawin lamang ang trabaho na dalawang dekada na niya ginagawa. “Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito,” pambungad ni Gloc 9 na inabisuhan ng kaniyang management na huwag nang magsalita. “Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nag sasabing hindi pwedeng trabaho lang ito dahil ito lamang naman po ang trabaho ko. Hindi po ito hobby na naging trabaho, ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanap buhay ko,” patuloy niya. Umaasa rin si Gloc 9 na mananalo sa eleksyon sa Mayo 9 ang mga kandidatong tunay na magmamalasakit sa bayan. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Naimbitahan ang rapper na kumanta sa proclamation rally ni Binay kung saan ipinakilala rin ang iba’t ibang kandidato, kabilang ang kaniyang amang si Bise Presidente Jejomar Binay na tumatakbong pangulo.

For the original version including any supplementary images or video, visit http://www.philstar.com/psn-showbiz/2016/03/31/1567953/nirerespeto-ko-ang-saloobin-niyo-kahit-minsan-masakit-gloc-9

Posted on Tags